Frequently Asked Questions

1. Paano mag-order?

    - Bago mag-order pumili muna at mag desisyon kung anong disenyo ang inyong nais. Narito ang link para sa pag-order. http://www.123contactform.com/form-2403120/Order-Form-Tagalog

2. Magkano ang cake?

     - Ang Whipped Cream Cake at Fondant Cake ay magkaiba ng price, depende din sa size at disenyo na inyong napili. Depende din sa lugar ang presyo ng Delivery Service (Takyubin). Narito ang link para sa mga prices ng cake. https://hetfieldbrjp.wixsite.com/cakedesire-tagalog/first-time-customers

3. Ano po ang mga design ng cake ninyo?

    - Narito po ang iba't ibang designs ng aming mga cake, maaari rin po kayong mag sabi ng inyong nais na disenyo o theme na aangkop sa inyong event. https://hetfieldbrjp.wixsite.com/cakedesire-tagalog/photo-gallery

4. Gaaano katagal ang kailangan sa pag-order bago ang event?

    - Kung ang o-orderin nyo po ay Fondant Cake kinakailangan po ng 1 month before bago ang event, lalo na po kapag peak season, pero kung customized design (sarili ninyong design at wala sa album namin) kinakailangan po ng mga 2 months earlier before the event. Kung Whipped Cream Cake naman po na may kasamang picture dapat po mga 2 weeks before the event. Pero kung simple lang po at nasa album namin ang napili nyo, kahit 1 week earlier before the event ay pwede na po.

5. Paano po ang payment?

    - Cash on Delivery (COD) po ang payment mode. Pero pwede rin naman pong mag bayad in advance sa Japan Post Bank (Yuucho). Hindi po kami nag a-accept ng credit card at debit card.

 

6. Paano ko po matatanggap ang order ko?

     - Nag de-deliver kami, sa kahit saan mang lugar dito sa Japan sa pamamagitan ng YAMATO TRANSPORT CO. LTD. Depende po sa order ninyong cake, mayroon po kaming cake na hindi pwedeng i-deliver. Pero kung malapit lang po kayo sa area namin, pwede nyo pong i-pick-up ang order ninyo.

7. Nag-dedeliver po ba kayo sa Pinas?

    - Hindi po kami nag de-deliver sa labas ng Japan. 

8. Maaari po bang mag bigay ng specific na time ng delivery?

    - Opo, kayo po ang pipili ng oras na inyong nais.

9. Possible po bang maglagay ng picture sa cake?

    - Opo, maaari po kayong mag lagay ng picture sa cake. Pero make it sure po na maganda ang quality at resolution ng picture na inyong ipapadala. Iwasan lang po ang papalit-palit ng picture para maiwasan po ang additional charges.