Receiving Procedures
Whipped Cream Cake
Mga dapat tandaan:
1. Kapag natanggap na ninyo ang inyong order, paki tanggal ito sa box.
2. Kapag ilalagay na ninyo ang cake sa ref, paki tanggal ang takip ng puting box.
3. Paglaanan ng space ang cake sa loob ng ref. Alalayan ng isang kamay ang ilalim ng base ng cake, habang ipinapasok ito sa ref.
4. Maghintay ng 24 oras bago ito kainin, para bumalik ang cake sa kanyang normal na lasa at itsura.
5. Iwasang tanggalin sa ref ng wala pa sa tamang oras (maaari nitong maapekuhan ang lasa ng cake).
6. Iwasang isama ang cake na may matapang na amoy na pagkain sa loob ng ref.
7. Sa paghiwa ng cake, siguraduhing matalim ang kutsilyo na inyong gagamitin. (Iwasang gumamit ng spatula para sa cake).
8. Sa panahon ng tag-init, iwasan ang pagbukas-sara ng ref. Maaaring lumambot ng mabilis ang cake ng wala sa tamang oras.
Fondant Cake
The fondant cake is very beautiful and very popular in the United States and Europe.
It is also widely used in coverage cupcakes and other personalized ornaments.
Mga dapat tandaan:
1. Ang fondant cake ay kinakailangang ilagay sa ref, sensitive ito sa mainit na lugar. Kung hindi ito naubos, maaari ulit ibalik sa ref pero balutin ito ng transparent na plastic wrap para hindi ito mag dry.
2. Iwasang ilagay sa mainit na lugar, maaaring mag bago ang lasa at itsura nito.
3. Kung ang inyong order ay whipped cream na may garnish ng fondant, gaya ng cake topper or iba pang dekorasyon, siguraduhing ilalagay nyo lamang ito ilang minuto bago magsimula ang celebrarion at kailangang hindi sa mainit na lugar.
Mga karagdagang impormasyon:
4. Mayroong mga fillings na hindi angkop sa fondant isa na rito ay ang mga prutas.
5. Ang mga cake na gawa sa whipped cream ay mas mabilis maubos kumpara sa fondant cake, dahil ang fondant cake ay mabigat sa tiyan at mabilis makabusog dahil kailangan ng stronger structure para magawa ang mga nais na disenyo.
6. Ang fondant cake ay hindi masyadong ma-moist kumpara sa whipped cream cakes, pero hindi ibig sabihin na tuyong-tuyo ito, ang dahilan lang nito ay para makuha natin ang gusto nating disenyo at para maiwasan ang pagguho ng porma na ating nais. Pero maaari din naman nating maiwasan ang mga ito, kung daragdagan lang ang hydrogenated products gaya ng margarine at iba pa.
7. Sa panahon ng tag-ulan mapapansin natin na parang mamasa-masa ang itsura ng cake. Baka hindi natin maiwasang hindi mapansin na nasira na pala ang mga ibang dekorasyon na nakalagay sa cake. Maaari itong maiwasan, gaya ng pag sara ng bintana at pagbukas ng aircon na may 24 degrees. Ang tamang temperatura sa loob ng kwarto ay makakatulong sa pagbalik ng natural na itsura nito. Kung kinabukasan pa ang party, ilagay ang cake sa kahon o mag-iwan ng dyaryo sa tabi nito, makakatulong ito sa pag tanggal ng humidity ng kwarto.
8. Ang fondant cake ay mabigat kumpara sa whipped cream cake, ingatan ito sa byahe. Kung ito ay bubuhatin, alalayang mabuti gamit ang inyong palad sa ilalim ng base para maiwasan ang aksidente.
9. Sa paghiwa ng cake, siguraduhing matalim ang kutsilyo na inyong gagamitin. (Iwasang gumamit ng spatula para sa cake).
- - - MARAMING SALAMAT SA INYONG PATULOY NA PAGTANGKILIK SA AMING PRODUKTO - - -